Miyerkules, Oktubre 25, 2017

                                         Kung Bakit Kailangan Magmahal

Normal lang naman magtanong siguro kung bakit kailangan magmahal, hindi ba? Sa milyon-milyong tao sa mundo, isa ako sa mga taong gustong malaman kung bakit kailangan magmahal. Nagtataka ako kung bakit pa kailangan magmahal. Kung bakit may mga taong handang gawin ang lahat mahalin lang siya ng mahal nya. Kung bakit may mga taong kayang magpakamatay para sa mahal nila dahil sa hindi sila mahal nito. Para sakin kahibangan na iyon, kahibangan na ang magpakamatay. Binigyan ka ng Diyos ng buhay hindi para magpakamatay sa taong walang ginawa kundi saktan ka, binigay sayo ang buhay mo para hanapin ang taong handang mamatay o isakripisyo ang buhay para sayo. Hindi ko alam kung bakit ganoon, hindi ko alam na may tao pala talagang ganoon nalang. Siguro masyado pa akong bata para sa pag-ibig na iyan.
Ngunit sa tagal ko ng nabubuhay sa mundong ito ngayon ko lang nalaman kung bakit kailangan magmahal. Kailangan mo magmahal para mabuhay. Love is life, life is love. Mga katagang matagal ko ng pinag-iisipan. Ngayon ko lang nalaman kung ano ang ibig sabihin. Nabubuhay ka dahil sa pagmamahal. Kailangan mo magmahal para mabuhay ka. Kailangan mo magmahal dahil iyon ang kailangan. Kailangan mo magmahal para matuto kang masaktan, para malaman mo na hindi sa lahat ng bagay masaya ka. Na sa buhay kailangan mong magsakripisyo minsan. Kailangan mo magmahal para malaman mo na sa buhay may isang taong kaya kang tanggapin kung ano ka. Na hindi mo kailangan magbago dahil kusa ka na lang mababago. Kailangan mo magmahal dahil para sa mahal mo. Kung bakit kailangan mo magmahal? Ito ay dahil para rin sayo.